Sunday, March 06, 2005

pangaltong hulog...

ang tagal narin.... marami kasi akong ginagawa eh... mula nung ako'y magsulat dito, wala pang kabali-balitang nagyari... hindi ko alam kung balita ito sa inyo...kasi yung kaklase ka nabundol ng bus...awa ng Diyos maayos na angkalagayn nya ngayon...nakalabas na nga ng ospital eh kaya lang hindi pa siya magaling... tapos, kakatapos lang ng aming huling markahan sa taong ito.... hindi ko alam kung matataas ang naging resulta...basta alam ko pumasa ako at exempted na ko sa college admission dito sa pamantasan... yung sa UP, bagsak ako... siguro sa ibang campus pasado ang iskor ko pero sa diliman hindi...sa dami ba naman ng mas mahirap at mas matalino sa kin... ok lang hindi ko rin naman masyadong gusto dun kasi karamihan dun lumalaking aktibista...ayokong gumaya sa kanila...ayoko sa oblation run, ayoko sa frat wars at lalo na ayoko sa malayong ekwelahan... wala pang umiporme... mauubusan ka ng damit.... gaya ni ate thina bili ng bili ng damit kasi wala silang uniporme... ang nakakaasar lang sa resulta ng aking pagsusulit sa UP ay sinabi pa nila yung nakuha kong iskor... nakakapanghinayang tuloy... eto yun... language proficiency: 80 reading comprehension: 92 math: 73 science: 95... sabi nga ng mga kaklase ko adik ako sa science kasi karamihan ng iskor nila sa science ay line of 8 pababa... ewan ko ba...kung hindi lang siguro ako nalula sa dami ng numero na kailangan mong i-solve sa math edi sana pumasa ako at nagpapakasasa na sana ako sa mababang tuition... sayang...pero gaya nga ng sinabi ko hindi malalaking kawalan sa kin ang aking pagbagsak doon.... at saka hindi airconditioned doon kaya mamamatay ako don sa init pag ag-init...ewan ko lang kung may libreng serbisyo ng internet doon...kasi isa yon sa mga kailangan ko upang mabuhay ng matino sa isang pamantasan.... haaay sa wakas tapos na rin ang pahirap ng hayskul...nagpapraktis nalang kami para sa graduation at natatamasa ko na ang mga benepisyo ng isang graduating student...yon ay ang walng gagawin kundi umupo ng saby-sabay, tumayo ng sabay-sabay, kumanta ng sabay-sabay, magsalita ng sabay-sabay...ang mahirap lang ay paglakad ng may suot na dalawang pulgada at mahigit na takong ng sapatos... umiwi ng 12:00 ng hapon pumasok ng 8:00 ng umaga...pero kahit gano kadali yon, may katumbas yon na kahirapan...ang pagiging late...pag nalate ka ng 2 beses o nag absent ka ng 2 beses o nag absent at nalate ng tig-isang beses, hindi pipirmahan ang clearance mo at magcocomunity service ka sa loob ng labing anim na oras...malupit.... ok lang...hindi nanaman ako nalelate eh.... ok lang kami dito sana kayo rin...hanggang sa muli... sasusunod na ako magdodownload ng mga litrato hindi pa nagpapascan eh...wala kasing scanner sa bahay...

Wednesday, February 02, 2005

pangalawang hulog

para mahasa ang inyong katalinuhan sa pagtatagalog, eto pa... kabubukas ko palang ng email ni ate adriane nang biglang tumunog ang bell...tapos na ang oras para sa pananghalian at sa kung ano ano pang aktibidades na pwede mong gawin sa loob ng isang oras... napili kong mag-internet sa loob ng limang minuto dahil wala na kong magawa sa aming silid aralan... libre naman, bakit hindi?... gusto ko nga palang maging negosyante o di kaya'y abogado [kasi balak kong maging politiko..hehehehe :D]... minsa'y pinangarap kong maging inhinyero pero naisip ko na ayokong maging sakit sa ulo at mabaliw sa kakapindot ng calculator at kakasagot ng mga problemang pangmatimatika na hindi naman talaga kailangang problemahin...hindi naman sa mahina ako..sa katunayan ay nasa track section ako...siguro tama na ang mga parusa ng matimatika na natatamo ko sa aking pang araw-araw na buhay...hehehehehehehe si ate thina nga pala ay katatanggap lang ng kanyang patunay sa pagiging dean's lister nung 1st sem nya sa kanyang ikalawang taon sa financial management sa kolehiyo ng san beda...si joanna, ayun parin, kumakain parin at mataba parin! hehehehehe siya'y nasa ikalawang taon ng mataas na paaralan ng kolehiyo ng san sebastian... katatapos lang ng JS prom namin nung lunes ng gabi at ako'y magsaya... ieemail ko nalang sa inyo ang mga pictures ko pag natanggap ko na...pati yung JS last year ay isasama ko narin... yung JS namin ay ginanap sa Manila Hotel at ang mga bandang kumanta doon ay yung M.Y.M.P. [make your momma proud] at South Border... masarap ang pagkain at ang pinakanagustuhan kong pagkain doon ay yung baked alaska...kung may recipe kayo, paki email nalang po sa akin kasi gusto ko pang kumain noon...hehehehehehehe =) mahilig nga ako sa cartoons at linkin park... pati yung iba pang bandang tumutogtog ng rock... sa kasawiang palad, wala kaming aso dahil walang magaalaga... sumakabilang buhay na rin pala si meekee [ganito daw ang spelling sabi ni ate thina...ang dahilan?...hindi ko rin alam...] matagal na pala...hindi ko alam kung may bago silang aso doon sa lagro... nung huling mapadaan kami doon ay nakita naming malalaki na ang mga bahay sa paligd...nasipagrenovate na sila ng bahay at kung titignan mo, tila isang kulangot na lamang ang bahay ni lolo doon...hehehehehehe ok na ok kami dito at san ay ok din kayong lahat na idagdag ko narin pala si uncle tom at si tita lesley sa aking ym... sige hanggang dito nalang...magkukwento uli ako kung merong dapat ikwento hehehehehehehehe

Monday, January 24, 2005

unang hulog

hi wala lang! iniaalay ko itong blog na to sa mga pinsan ko sa Australia na nakalimutan na yatang magtagalog....joke joke joke!... di to ko ilalagay lahat ng nangyayari sa aming mga buhay buhay... mahirap kasi pag email eh... dito direkta... mabilis pa! ayun... sa wag akong magkamali sa pagbabaybay ng URL nitong blog na to... football headed bicranial quadraped lang yan.... kung anong ibig sabihin nyan, hindi ko rin alam!...alam ko lang, kinuha ko yung footbal headed sa palabas na hey arnold sa nickelodeonat yung bicranial quadraped sa isang palabas din sa nickelodeon na pinamagatang cat dog.... ngayon, katatapos lang ng aming pagsusulit sa pisika at ekonomiya...hindi ko alam ang magiging resulta nyan...bahala na si krystala [ito yung bagong kinababaliwan sa super hero ng mga pinoy...hindi ako kasama dun sa mga pinoy na yun].... sila Joanna at Ate Thina ay ok lang.... si Mommy at Daddy rin... hanggang ngayon ay hindi parin pinababasbasan ang aming tahanan sa hindi maipaliwanag na dahilan... sa madaling salita, hindi ko alam...hehehehehe ako'y magtatapos na sa ika-31 ng marso taong dalawampung libo't lima... nakapasa na ako sa pagsusulit sa kolehiyo dito sa pamantasan ng santo tomas sa kursong Commerce at Civil Engineering... sa UP, hindi na ako umaasa... kasi mahirap pumasa dun eh.... kontento na ko dito sa aking eskwelahan at sa tingin ko'y naibibigay naman nito ang aking mga pangangailangan, tulad nitong libreng internet sa silid-aklatan.... at saka ayoko na ring lumayo.. nalalate na nga ko dito sa espanya sa diliman pa kaya!... ayun sana matuwa kayo sa aking bagong naisipang pamamaraan ng komunikasyon..nawa'y pag palain kayo ng Diyos! Ikumusta nyo nalang kami sa kanilang lahat!